KONSTRUKSIYON SA BAGONG TANGGAPAN NG DILG-CAGAYAN,SINIMULAN NA Nagsimula na ang pagpapatayo sa tatlong palapag ng bagong gusali ng Department of Interior and Local Government –Cagayan Provincial Office.
Pangangasiwaan ito ng Department of Public Works and Highways – Cagayan 3rd District Engineering Office (DPWH-CTDEO) at ipapatayo sa Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City.
Ito at may lawak na 11 meters at habang 19 meters na pinondohan sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) of 2024 at ipapatupad ito ng dalawang yugto at pinondohan ang Phase 1 ng 14.3 million pesos.
Lalagyan ang unang palapag ng gusali ng anim na silid para sa management at personnel .ilalagay naman sa ikalawang palapag ang tanggapan ng provincial director at conference hall habang ang ikatlong palapag ay magsisilbing function area .
Inaasahang matatapos ang phase 1 ng gusali sa December 10, 2024. ./// analiza