19 na scammers kabilang ang 2 vloggers, arestado sa Imus Cavite

Arestado ng mga tauhan ng PNP – Anti-Cybercrime Group ang nasa 19 na indibidwal kabilang na ang 2 vlogger na sangkot sa Vishing o Voice Phising at Scamming activities.

Ayon kay PNP-ACG Director, MGen. Ronnie Francis Cariaga, ikinasa ang naturang operasyon sa Lungsod ng Imus, lalawigan ng Cavite sa bisa ng Warrant to Search, Seize and Examine Computer Data.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Katuwang ng ACG ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa naturang operasyon.

Modus ng mga ito ang magpanggap na kinatawan ng bangko at kinukumbinsi ang mga biktima na i-update ang kanilang credit card sa pamamagitan ng pagkuha ng mahahalagang impormasyon at One-Time-Pin.

Nakumpiska sa mga suspeck ang mga SIM cardd, mobile devices, laptops, iba’t ibang bank documents, ledgers at script na siyang ginagamit ng mga ito sa panloloko.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Ang mga naaresto ay nasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 12010 o Anti-Financial Account Scamming Act.

Bukod pa ito sa iba pang mga kaso gaya ng paglabag sa Republic Act 8484 o ang Devices Regulation Act of 1998 at Republic Act 10173 o Data Privacy Act na may kaugnayan sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act.