Nanawagan ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na bawasan ang salita at dagdagan ang aksiyon para labanan ang epekto ng climate change.
Ginawa ng bansa ang pahayag sa ginanap na 26th United Nations Climate Change sa Glasgow, United Kingdom.

Ayon kay Finance Sec. Carlos Dominguez umaasa sila na ang COP26 meeting ay hindi lang taunang diskusyon bagkus ay isang pamamaraan para sa mas matibay na action plan.
Paliwanag ng opisyal panahon na para kumilos at bumuo ng isang ‘framework’ para sa climate justice.
Tapos na umano ang debate at oras na simulan ang mga pangako at obligasyon ng bawat bansa sa sangkatauhan.