Isang OFW sugatan matapos masunog ang isang residential building sa Hong Kong

Sugatan ang isang overseas Filipino worker matapos sumiklab ang sunog sa isang residential building sa Kowloon District, Hong Kong.

Ayon kay Department of Migrant Workers officer-in-charge Hans Leo Cacdac, nagtamo lamang ng minor injuries ang naturang Filipino at nabigyan na ng kaukulang tulong.

Read More:  Padilla pushes law to hold minors liable for heinous crimes

Base sa ulat ng mga otridad, nasa 35 iba pa ang sugatan sa nangyaring sunog sa Kowloon.

Read More:  Duterte legal team pushes for emergency ICC hearing

Samantala, anim sa mga sugatan ang nasa seryosong kondisyon at isa ang kritikal ang lagay.