Target ni Alex Eala na makamit ang mas malaki pang tagumpay, matapos gumawa ng kasaysayan nang manalo sa US Open girls crown sa New York.
Mababatid na natalo ng 17-anyos na si Eala ang No. 2 seed na si Lucie Havlickova ng Czech Republic sa 6-2, 6-4, sa finals sa USTA Billie Jean King National Tennis Center.
Dahil dito, siya ang kauna-unahang Filipino na nanalo sa grand slam singles championship.
Para sa tennis champion, paid off ang lahat ng kanyang pinaghirapan.
Una nang nanalo ang 10th-seeded sa girls’ doubles titles sa 2020 Australian Open at 2021 French Open, pero naging mailap sa kanya ang grand slam singles crown hanggang noong Sabado.
