Inilarawan ni Makabayan solon ACT Teachers Party-list Rep. France Castro bilang ‘karagdagang pasanin ng mga Pilipinong commuters,’ ang fare adjustment sa Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at LRT Line 2 (LRT-2).
Ayon kay Castro, humaharap pa ang mga pangkaraniwang biyahero sa mataas na presyo ng bilihin at serbisyo dahil sa inflation, at hindi umano nararamdaman ng mga ito na bumababa ang inflation rate dahil sa mababa nilang sahod.
Giit nito, hindi dapat pahintulutan ang mga pampublikong transportasyon na maging isang ‘luxury’ na iilan lamang ang maka-a-afford.

Hinimok ng Kongresista ang ahensya ng DOTr na irekonsidera ang mungkahing fare hike, at humanap ng alternatibong solusyon na makapagpapabuti sa kalidad ng public transportation nang hindi pinahihirapan ang taumbayan.