Tapusin na ang operasyon sa pagsisilbi ng alias warrant of arrest laban kay Apollo Quiboloy.
Ito ang hiniling ni Senador Bato dela Rosa sa Police Regional Office 11 (PRO 11) sa gitna ng nagpapatuloy na operasyon ng kapulisan sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).
Kasabay nito ay nanawagan si Dela Rosa kay Pangulong Bongbong Marcos na isaalang-alang ang kalagayan ng mga miyembro ng KOJC, maging ng mga pulis upang maging normal na muli ang buhay ng mga tao sa lugar.
Samantala, nanindigan naman ang PRO 11 na hindi sila aalis sa compound hanggat hindi nahuhuli Quiboloy.