King Charles, ibinigay na ang military title kay Prince William

Ibinigay na ni King Charles ng Britanya ang senior military role sa kanyang anak na si Prince William sa isang seremonya.

Si Prince William na ngayong ang Colonel-in-Chief ng Army Air Corps, isang posisyon na hawak ng 75-taong-gulang na monarko sa loob ng 32 taon.

Ginanap ang seremonya sa harap ng isang Apache helicopter, at pinanood ng mga tauhan ng Army Flying Museum.

Isa ito sa mga pinaka pambihirang pagkakataon na nagpakita ang hari dahil bilang lang ang pinupuntahan ni King Charles simula nang madiagnose ito sa sakit na Cancer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *