“Bring It On” ito ang hamon ni dating presidential spokesperson Harry Roque matapos siyang sampahan ng libel at cyber libel ni dating Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Roque desperado umano si Trillanes para makahanap ng atensyon sa kaniyang electoral campaign.
Mababatid na kinasuhan ni Trillanes si Roque dahil sa aniya’y maling pagpapakalat ng impormasyon laban sa kanya.
Sa hiwalay na complaint affidavits, kinasuhan ni Trillanes sina Roque at Banay By sa pag-akusa sa kanya na ibinenta at ipinamigay niya ang Scarborough Shoal sa China sa isang back channel talks noong 2012.