Simula na ng road to forever ng celebrity couple na sina Kim Molina ang ang long time boyfriend nitong si Jerald Napoles.

Ito’y matapos mag-propose ni Jerald Kim matapos ang kanilang sampung taong relasyon.
Sa video na in-upload online, makikita ang pagkagulat ni Kim at makikita ring puno ng dekorasyong bulaklak at ilaw ang stage habang may tumutugtog na saxophone.
Ayon kay Gerald napili niyang mag-propost kay Kim sa PETA(Philippine Educational Theater Association) Theater Center sa Quezon City dahil espesyal umano ito sa kanilang dalawa.
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na bago pasukin nina Jerald at Kim ang mundo ng pelikula at telebisyon ay una silang nakilala bilang mga artista sa teatro.