Sinigang at Bulalo pasok sa Top 50 Best Soups sa buong mundo

Kung lutong Pinoy lang naman ang pag-uusapan tiyak na amoy pa lang masarap na.

Maliban din sa mga beaches ng Pilipinas dinadayo rin ng mga turista ang masasarap na Filipino foods.

Tulad ng sinigang at bulalo na nakapasok pa sa 50th Best Soups in the World list ng travel online guide na Taste Atlas.

Nasa 17th spot ang sinigang, habang pang-37 ang bulalo. May hiwalay na ranking ang sinigang na baboy na nasa 38th place.

Ayon sa TasteAtlas pinapakita ng bulalo at sinigang ang kulturang Pinoy at kung ano talaga ang Filipino cuisine.