Nominado si Kim Chiu sa 2024 Seoul Drama Awards for Asia Star Award. Hangad pa ng aktres ay sana daw ay iboto sya rito.
Pagbobotohan ang mga mananalo sa Asian Star Award at Drama OST Award sa Seoul Drama Awards 2024 kung saan kasama si Kim sa mga nominado mula sa iba’t ibang mga bansa.
Samantala, kabilang sa kalaban ni Kim ang mula sa Thailand na si Blue Pongtiwat Tangwancharoen, na kilala sa Ready Set Love at Poomipat Iam-samang, na naging bida sa remake ng Korean drama na Start-Up.
Ganundin ang Malaysian actress na si Emily Chan, Singaporean actor Desmond Tan, at Indonesian actress na si Ochi Rosdiana. ( Teressa Arzobal– Brigada News Intern)
