Hindi namalayan ng Filipino-American na si Dannah McMichael na nalunok niya ang kanyang wedding ring dahil sa sobrang jet lag nang magbakasyon siya sa Pilipinas at Thailand noong nakaraang buwan.
Lahad niya sa kanyang post: “I was jet-lagged after traveling from Atlanta, Georgia, to the Philippines, then to Thailand.
Aniya, hinubad daw niya ang kaniyang wedding ring bago ito maligo, hindi niya raw namalayan na nailagay niya sa kamay nya ang wedding ring kasama ng iniinom niyang mga gamot.
Hindi nagkamali ang suspetsa ni Dannah.
Sumailalim siya sa X-ray at makalipas ang dalawang araw, lumabas ang malinaw na malinaw na resulta na nalunok nga niya ang kanyang wedding ring.
“Two days later, I got an x-ray, and sure enough, there was my wedding ring!” sabi ni Dannah. ( Jaztine Cruz– Brigada News Intern)
