Kim Atienza, pinaliwanag ang nakaraang isyu nila ni Vice Ganda

Nilinaw ng TV Host na si Kim Atienza sa isyu nila ng dating co-host nito na si Vice Ganda, at sinabing maayos na ang kanilang relasyon ngayon.

Paliwanag ni Kuya Kim, hindi niya sadya ang nangyari at nagkataon lang na kakalipat niya lang sa ibang istasyon kaya’t lumayo ang kanilang loob sa isa’t isa.

Maalalang nagsimula ito nang mag post si Kuya Kim ng simpleng “I love you, Karylle” sa gitna ng isyu na binu-bully umano ni Vice si Karylle sa kanilang noon time show.

Tiniyak ni Atienza na hindi niya sinasadya ang kanyang pahayag, ngunit naiintindihan niya kung iba ang pagkakaintindi ng tao rito. (Brigada News Intern – Marck Jay Lainez)