Inihayag ni Manny Pacquiao na tuturuan niya kung paano ang tunay na boxing kay Chihiro Suzuki kapag sila’y nagharap sa ring sa Hulyo 28 sa Saitama Super Arena sa Japan.
Saad kasi ni Pacquiao sa isang press conference, mas mahirap ang boksing kaysa sa mixed-martial arts dahil mas nakakapagod ito.

Dagdag pa ng dating senador, nais niyang turuan si Chihiro dahil wala itong karanasan sa boxing.
Bagaman retirado na, maalalang lumaban pa muli si Pacquiao sa isang exhibition match kay DK Yoo sa South Korea. (Brigada News Intern – Michaela De Leon)