Kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang pagkakatalaga ni Pangulong Bongbong Marcos sa kilalang Manila Police ‘sharpshooter’ at dating judge na si Jaime Santiago bilang bagong Director ng National Bureau of Investigation o NBI.
Nanumpa na rin si Santiago sa harap ni Bersamin.
Papalitan ni Santiago si dating NBI Director Medardo de Lemos.
Si Santiago ay dating judge ng Manila RTC branch 3, pero bago naging judge, naging commander ito ng MPD special weapons and tactics.
Ilan sa naging accomplishments nito ay 6 na insidente ng hostage taking kung saan na-neutralize ang lahat ng suspek.