Kinundena ng Pilipinas ang ginawang pag-atake Houthi rebels sa merchant vessel na may sakay na mga Pilipinon tripulante.
Sa pahayag ng Department of Forreign Affairs (DFA) – kinumpirma nito ang pag-atake sa M/V Tutor, isang Greek-owned pero Liberian-flagged ship.
Nagpakawala umano ang mga Houthi ng unmanned surface vessel o (USV) noong June 12.
Tiniyak naman ni DFA spokesperson Ma. Tereseita Daza ang ligtas na pagpapa-uwi sa mga Pilipinong sakay ng barko.
Umapela rin ito sa mga miyembro ng United Nations na dapat ay protektahan ang karapatang pantao ng mga seafarers.
Sa ngayon, ‘di pa malinaw kung ilang Pilipinong tripulante ang sakay ng naturang mechant vessel.
Matatandaang nitong Marso lang nang dalawang Pinoy ang nasawi sa pag-atake ng Houthi sa M/V True Confidence; at bago ito’y hi-nostage din ng mga rebelde ang isa pang ship na mayroon ding mga sakay na Pilipino.