Hawks vs Bucks maghaharap sa ECF

Maghaharap sa best-of-seven NBA Eastern Conference Finals series ang Atlanta Hawks at Milwaukee Bucks.

Ito ay matapos talunin ng Hawks ang top seed Philadelphia 76ers sa Game 7 ng East semis, 103-96.

Hindi umubra ang home court advantage ng 76ers sa magandang depensa ng Hawks na naging susi sa panalo.

Read More:  NLEX sweeps Phoenix, advances to PBA Governors’ Cup semifinals

Bumida para sa Atlanta ang young-gunner na si Kevin Huerter na nagtala ng career play-off high na 27 points.

Sa kabila ng maalat na shooting, bumuslo naman si Hawks star Trae Young sa kanyang 21 points sa mga importanteng minuto para tulungan ang kanyang koponan.

Read More:  JRU Heavy Bombers dominate Mapua, notch second win in NCAA Season 102

Nag-ambag din si Danilo Gallinari ng 17 puntos kabilang get-away dunk sa huling 41.8 segundo ng laro tuluyang makalayo sa Philadelpia.

Nagposte naman ng double-double si Joel Embiid sa kanyang 31 points at 11 rebounds habang si Ben Simmons ay nagkasya lamang sa 5 points.