Kick off ng Ronda Pilipinas gagawing muli sa Sorsogon

SORSOGON CITY – Gagawin nang muli sa lalawigan ng Sorsogon ang umpisa ng LBC Ronda Pilipinas 2022.


Kaugnay nito, nagkaroon na ng final briefing para sa nasabing kompetisyon ang Provincial Government at koponan ng Ronda Pilipinas.

Read More:  15-year-old admits killing mother found inside abandoned septic tank in Bohol


Ang aksyon ng Ronda Pilipinas 2022 ay masasaksihan mula Marso 11 hanggang 20 at pagdidikitin nito ang lungsod ng Sorsogon at Baguio City.


Lalahukan ito ng 104 na riders mula sa 13 teams.

Read More:  2 dead, 2 injured after van crashes into two motorcycles in Cebu


Matatandaan na noong Pebrero 23, 2020, sa ika-10 anibersaryo ng Ronda Pilipinas ay sa lalawigan din nagsimula ang stage 1 ng karera.