Japan Men’s basketball, inanunsyo na ang mga lalaro para sa Paris Olympics 2024

Ipinakita ng Japan ang mga bubuo sa basketball team para sa sasabak sa 2024 Paris Olympics, kasama na dito ang walong atletang naglaro noong 2023 World Cup.

Ayon sa kanila, ang pinakamalaking nadagdag sa kanilang kuponan ay ang NBA forward na si Rui Hachimora, siya’y kasalukuyang naglalaro sa Los Angeles Lakers at ilang taon na din sa larangan ng NBA.

Dahil diyan, ang Japan ay otomatikong papasok sa Olympics games dahil sila ang naging hosting ng bansa noong nakalipas na Olympic games.

Dagdag pa nila, mananatiling coach ng Japan ang batikang US coach na si Tom Hovasse, siya din ang nagsisilbing head coach mula pa noong 2021.

Sa ngayon, lalaro ang Team ng Japan sa Group B, na makakasama nila ang Germany, France, at ang Latvia na mga nanalo nitong FIBA Olympic Qualifying Tournament 2024 sa Brazil. (Jaime Codizal – Brigada News Intern)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *