Kaso ni Mabanza posibleng ilipat sa Maynila dahil sa isyu ng seguridad

Sangkot umano si Myrna Mabanza sa pamamahagi ng pondo para sa mga aktibidad ng Abu Sayyaf at Maute group na nasa likod ng limang buwang Marawi Siege noong 2017.

Nahaharap si Mabanza sa kasong paglabag sa Republic act no. 10168 o Terrorism financing prevention and suppression act of 2012 at RA no. 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020.

Read More:  ICC seeks additional protection for 55 witnesses in Duterte trial

Dahil sa isyu ng seguridad maaaring ilipat sa Maynila ang kaso pero sa Zamboanga City muna ang arraignment.

Read More:  ATOM seeks deeper probe into alleged special treatment of Romualdez

Ayon sa Anti-terrorism Council hindi baba sa $100K mula umano sa Malaysia, Turkey, Jordan, Indonesia, Qatar, at Saudi Arabia ang dumaan sa kamay ni Mabanza para pondohan ang mga terrorist activity sa bansa.

Sinabi ni Presidential Anti-Organized Crime Commission Usec. Gilbert Cruz na maituturing nila itong successful operation.