Greece, isinabatas ang pagpapakasal at pag-aampon sa same-sex couples

Opisyal nang isinabatas ng Greece ang same sex marriage matapos makalikom ng botong 176 na pabor at 76 na pagtutol mula sa Greek parliament.

Read More:  At least 27 killed after Fire engulfs beer hall in Thailand

Pinapayagan ng naturang batas na mag-ampon at makatanggap ng full parental recognition ang isang same-sex couple.

Dahil dito, ang Greece na ang ika-16 na miyembro ng European Union at kauna-unahang Orthodox Christian country na nagsabatas ng marriage equality.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Ayon kay Greece Prime Minister Kyriakos Mitsotakis, isang milestone sa human rights ang pagpasa ng same-sex marraige, na nagpapatunay na isa silang progresibo at demokratikong bansa.