Inilipat sa Valenzuela Regional Trial Court (RTC) ang graft case na inihain laban kay dismissed Mayor Alice Guo mula sa Capas, Tarlac Regional Trial Court.
Pinagtitibay ng hakbang na ito ang sinabi ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na walang jurisdiction ang Capas sa kaso ni Guo.
Mababatid na nag-isyu ng arrest warrant ang Capas, Tarlac Regional Trial Court Branch 109 laban kay Guo para sa paglabag nito sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Sinasabing ginamit kasi umano ng dating alkalde ang posisyon nito para makapag-isyu ng permit sa POGO sa Bamban, Tarlac.
Sa kabila nito, nanindigan pa rin si Tolentino na Senado ang may kostudiya kay Guo.
Nagpasalamat din ang mambabatas sa RTC ng Capas, Tarlac Branch 109 sa paglipat ng kaso ni Guo sa Valenzuela City.