Handang tumestigo ang dalawa mula sa limang pinagsamantalahan umano ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader na si Pastor Apollo Quiboloy.
Ito ay matapos ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga biktima sa tulong ng ilang mga eksperto.
Ayon kay Davao City Police Chief Colonel Hansel Marantan, dalawa na ang desididong tumestigo, habang ang tatlo naman ay pinag-iisipan ang sitwasyon.
Dagdag pa nito, hindi naman nila maaaring pwersahin ang mga ito, dahil baka maalala nila si Quiboloy.
Binigyang-diin ni Marantan na ang mga menor de edad ay ginamit ‘di umano ni Quiboloy bilang kanyang mga “sex slaves” noong 12 anyos pa lamang.
Labinlimang menor de edad naman ang kasalukuyang nasa loob ng KOJC na kailangan i-rescue.
Samantala, ito raw ay nananatili pa lamang alegasyon at kailangan pang imbestigahan.