Quiboloy at mga kapwa-akusado, naghain din ng ‘not guilty’ plea sa kasong child at sexual abuse sa QC RTC

Naghain din ng ‘not guilty’ plea si Apollo Quiboloy at apat pang kapwa-akusado nito sa kasong child and sexual abuse.

Ito ang sinabi ng legal counsel ni Quiboloy na si Atty. Israelito Torreon matapos ang arraignment ngayong hapon sa Quezon City Regional Trial Court Branch 106.

Read More:  ICC cancels July 14 status conference in Duterte crimes against humanity case

Tumanggi nang magbigay ng karagdagang detalye si Atty Torreon dahil sa confidential in nature ang kasong dinidinig sa korte.

Read More:  House prosecution: ‘typo’ issue won’t erase evidence against VP Sara Duterte

Hindi physical present sina Quiboloy sa arraignment dahil ginawa ito sa pamamagitan ng video conferencing.

Maaalalang nauna nang naghain ng ‘not guilty’ plea si Quiboloy at iba pa sa kasong qualified human trafficking sa Pasig RTC.