Iba’t ibang lalawigan sa Bicol, ipinagdiwang ang IDADAIT 2024

BNFM Bicol- IPINAGDIWANG ng iba’t ibat mga lalawigan sa rehiyong Bicol ang 2024 International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) Youth Forum na may temang “The evidence is clear: invest in prevention” sa tulong ng Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) at Provincial Peace and Order Council (PPOC).

Inilunsad ang aktibidad na ito ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Bicol alinsunod sa DILG Memorandum Circular No. 2024-082 na layong ipaalam ang kahalagahan ng preventive measures laban sa pag-abuso ng droga at illicit trafficking.

Dinaluhan naman ng iba’t ibang mga lokal na ahensya ang nabanggit na aktibidad tulad ng PNP Bicol, mga miyembro ng ICAD Advocacy Cluster, SK Federation Officers, at iba pa. # # # Nico Merciales, Intern

Photo from DILG Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *