Kaso ng HIV AIDS sa Albay patuloy sa tumataas

LEGAZPI CITY – Tinapos na ang pitong araw na aktibidad ng Gentlemen Bicol (GNB) at Provincial Health Office (PHO) Albay kasabay ang iba pang organization ang World Aids day na may temang “Ending the HIV Epidemic: Equitable Access, Everyone’s Voice,”.

Ayon kay Kathleen Ross Bailon, ang Executive Director ng Gentlemen Bicol (GMB) for sexual reproductive health and rights incorporated, patuloy ang pagtaas ng kaso ng “Human Immunodeficiency Viruses (HIV) at Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS) sa nasabing lalawigan.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Base sa tala ng PHO Albay simula noong buwan ng Enero hanggang buwan ng Agosto ng kasalukuyang taon ay umabot sa 45 ng HIV AIDs ang lalawigan.

Sa ngayon ay pumalo na rin sa 529 ang mayroon ng nasabing sakit simula noong 1984 hanggang taong 2021.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Paliwanag nito ang naging dahilan kung bakit dumarami ang naitatalang ng naturang sakit ay dahil sa pakikipagtalik ng mga ito sa ibat ibang tao o maaaring nakuha umano sa trabaho.

Layunin ng mga ito ay mawala ang stigma at discrimination sa taong mayroong sakit na HIV AIDS.

Sinabi ng opisyal tinututukan ng mga ito ang community based training at councelling sa mga pasyente na may HIV aids.