Kaso ng dengue sa Camarines Norte sumampa na sa 144, pagdami pa lalo ng bilang ng mga tinatamaan ng sakit ikinakaalarma na ng PHO

CAMARINES NORTE- Patuloy ang pagsirit ng mga kaso ng dengue sa lalawigan ng Camarines Norte.

Batay sa datos ng Provincial Health Office mula Enero hanggang Hulyo 22, ng taong kasalukuyan, sumampa na ang bilang nito ngayon sa 144 at hindi pa kasama ang ilang mga nadagdag.

Halos maabot na nito ang bilang na 154 para sa buong taon ng 2021.

Pinakamaraming kaso ang naitala sa Daet na mayroong 42, Basud na may 20, Mercedes na may 17, Labo na may 13 at Jose Panganiban na mayroong 10.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Pinakakaunti naman ang kaso sa Capalonga na may isa at tig dalawa sa Sta Elena at San Vicente.

Sa isinagawang flag raising ceremony kaninang umaga sa Camarines Norte Provincial Hospital, sinabi ni Provincial Dengue Program Coordinator Benjie Palma na nakakaalarma na ang pagtaas ng mga kaso nito.

Aniya, pwedeng dapuan ng dengue kahit nasa bahay lang kaya importanteng sirain ang mga pwdeng pamahayan ng lamok.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Kabilang sa mga dapat umanong palaging titingnan ay ang mga flower base, halaman, imbakan ng tubig at lagayan ng mga eating utensil.

“Alam niyo baka hindi natin napapansin yung mga flower bases natin, ah yung mga, yung ipunan nung plato every now and then I check natin kasi that is a very good breeding ground for the mosquito to multiply, tingnan natin yung mga paligid natin especially yung mga flowers na nao yun bioganvilla bay un na yung pag nag ulan natitpunan mismo dun kasi I have already visited many of this cases.