KORONADAL CITY- ISINAILALIM sa monitoring ng Department of the Interior and Local Government o DILG Region 12 ang mga streetlight projects sa bayan ng Polomolok at Tupi.
Itoa y sa ilalim ng Local Government Support Fund-Financial Assistance to Local Government unit.
Ang construction ng 163 na mga streetlights sa National Highway ng Polomolok ang pinondohan ng P 10 million.
Samantala, P 5 million naman ang inilaan para sa 90 units ng streetlights sa bayan ng Tupi.
Ito ay inaasahang makatutulong hindi lang sa mga residente sa naturang mga munisipyo, ngunit maging sa mga motorsita at mga biyahero na dumadaan dito lalo na sa gabi.
