Kulay puting hito, nabingwit sa U.S

INIULAT kamakailan ng Tennessee Wildlife Resources Agency ang pagkakabingwit at pagkakadakip sa isang hindi pangkaraniwang “cat fish” o hito sa isinagawang Scenic City Fishing Charters sa America.

Ayon sa naturang agency, hindi pangkaraniwan ang nasabing hito dahil ito ay kulay puti na kabilang umano sa species na kung tawagin ay “blue catfish” o may scientific name na “Ictalurus furcatus.”

Isang teen-ager lamang na kinilala sa pangalang Edward Tarumianz, ang nakabingwit sa naturang isda, at ayon kay Richard Simms – fishing trip captain, napakabihira lamang umano ng pagkakataon na makahuli ng puting hito.

Ayon pa rito, posibleng ang nasabing isda ay posibleng nagtataglay ng kakaibang kondisyon na kung tawagin ay “Leucism” kung saan puting-puti ang buong katawan nito.

Bukod pa dito, maaari din aniyang “Albinism” ang kondisyon ng nasabing hito.

Matapos magpakuha ng larawan, agad namang ibinalik ni Edward ang hito sa tubig.### JDR, BNFM Bicol