Negosyanteng si Atong Ang dumalo sa senate hearing kaugnay sa mga nawawalang sabungero

Dumalo sa pagdinig ng senado ang kilalang negosyante at sabong aficionado na si Charlie ‘Atong’ Ang sa ikalawang senate hearing kaugnay sa usapin ng online sabong at isyu ng nawawalang sabungero.

Ito ay matapos na madawit ang pangalan ni Ang sa mga nawawalang mga sabungero.

Read More:  Dela Rosa renews Supreme Court plea to block arrest and ICC transfer

Napag-alaman kasi sa unang senate hearing na Ang ang may-ari sa tatlong cockfighting arena kung saan nawala ang mga sabungero.

Una nang sinabi ni committee on public order and dangerous drugs chairman Sen. Ronald Bato de la Rosa na umaasang makapagbibigay linaw si Ang sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Read More:  Rep. Edgar Erice urges Congress to scrutinize questionable 2027 budget

Samantala hiniling naman ng negosyante sa senado na magkaroon ng executive session dahil sa mga sensitibong impormasyon na kanyang ibabahagi.