Kaso ng COVID-19 sa Bicol sumampa na sa mahigit 53K matapos madagdagan ng 720 mga bagong kaso kahapon

BNFM BICOL—Pumalo sa 720 ang mga naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa  Bicol kahapon batay sa inilabas na ulat ng Department of Health.

Sa naturang bilang, 220 sa mga ito ang mula sa lalawigan ng Albay kung saan 80 ang mula sa Legazpi City; 41 sa Daraga; 17 sa Guinobatan; 14 sa Camalig; 12 sa Polangui at Tabaco City; 11 sa Sto. Domingo; siyam sa Ligao City; anim sa Libon; apat sa Malinao at Manito; tatlo sa Oas; dalawa sa Bacacay, Pio Duran at Tiwi at may isa naman sa Jovellar.

Nasa 170 naman ang mga naitalang kaso sa Camarines Sur kung saan 47 dito ang mula sa Naga City; 26 sa Pili; sampo sa Iriga City at Nabua; anim sa Camaligan, Canaman at Milaor; lima sa Sipocot; apat sa Baao, Goa, Libmanan, Pamplona at Pasacao; tatlo sa Bula, Lagonoy, Sagnay, at Tigaon; dalawa sa Bato, Cabusao, Calabanga, Del Gallego, Gainza, Minalabac, Ragay, San Fernando at San Jose habang may tag iisang kaso ang mga bayan ng Buhi, Lupi, Magarao at Tinambac.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Ang lalawigan ng Sorsogon ay mayroong 133 na mga bagong kaso kung saan 64 dito ang  mula sa Sorsogon City; 14 sa Juban; 12 sa Gubat; sampo sa Bulan; anim sa Irosin; lima sa Donsol; apat sa Bulusan at Castilla; tatlo sa Casiguran, Matnog, Pilar at Prieto Diaz at tag isa ang Barcelona at Sta. Magdalena.

Umabot naman sa 106 ang naidagdag sa Masbate kung saan 47 nito ang mula sa Masbate City; 16 sa Cataingan; 15 sa Aroroy at Milagros; siyam sa Dimasalang; dalawa sa Placer at tag isa ang Mobo at Baleno.

Ang Camarines Norte naman ay nakapagtala ng 67 mga bagong kaso ng sakit kung saan 17 nito ang mula sa Daet; 12 sa Labo; 11 sa Basud; pito sa Paracale; anim sa Vinzons; lima sa Sta. Elena; tatlo sa Jose Panganiban; dalawa sa Capalonga at Talisay at isa naman sa Mercedes at San Lorenzo Ruiz.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Habang ang Catanduanes ay may naidagdag na 22 mga bagong kaso kung saan anim dito ang mula sa Pandan; apat sa Bagamanoc; tatlo sa Gigmoto at San Andres; dalawa sa San Miguel at tag iisa ang mga bayan ng Bato, Caramoran, Viga at Virac.

Mayroon ding dalawang kaso mula sa labas ng Bicol ngunit dito naitala sa rehiyon.

Bunsod nito, pumapalo na sa 53,483 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol kung saan 7,935 sa mga ito ang nananatiling aktibong kaso.

Nasa 45 naman ang mga bagong gumaling kahapon  kung kaya’t pumalo na sa 43,524 ang COVID-19 recoveries habang wala namang naidagdag sa bilang ng mga nasawi.###