CAMARINES NORTE- Inihayag ni acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na wala pang rekomendasyon sa ngayon mula sa mga eksperto ang paggamit ng doble- dobleng face mask para maprotektahan ang sarili kontra COVID- 19.
Bagamat aminado na siya mismo ay gumagamit ng doble- dobleng face mask, sinabi ni Francisco na kailangan lang nya itong gawin dahil sa kaniyang trabaho.
Aniya higit kasi na kailangan niyang mag ingat upang maiwasan ang pagkakasakit lalo’t importane umanong “hands on” siya sa trabaho bilang Incident Commander for Health ngayong nahaharap ang lalawigan sa problemang dulot ng COVID- 19.
“Kapag ang pinuno po ay nagkasakit ay para bang sinasabi natin na maluya po ang ating pamunuan na tayo mismo na supposed to be na numero uno na mag- strategy at mag implement ay siya pa ang nagkaroon ng COVID,” ani Francisco
“Ayaw kung humantong sa ganung sitwasyon at ako mismo talaga ay doble ingat sapagkat kadami- daming problema na ating binibigyan ng solusyon ngayong pandemic ay ayaw kong mawala dito sa aking trabaho.”
Ayon sa doktor bagamat may higit na proteksyong ibinibigay ang N- 95 mask kumpara sa surgical mask, hindi aniya nangangahulugan na hindi na epektibo ang huli.
Maging ang Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ay hindi naman nag- iimpose kung anong klaseng face mask ang dapat gamitin basta’t maayos ang pagkakasuot nito.
Ayon kay Health Spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire inirerekomenda para sa komunidad ang pagamit ng surgical mask.
Ang cloth mask umano ay hindi kasing epektibo ng surgical mask pero maaari itong gawing pang doble sa una.
Samantala muling binigyang diin ni Francisco na maliban sa pagsusuot ng face mask ay importantenng sundin ang iba pang health protocol tulad ng social distancing at paghuhugas palagi ng kamay.
Aniya, mahigit dalawang taon nang nararanasan ang pandemya kaya dapat ay hindi na nakakalimutan at parte na ng pang- araw araw na pamumuhay pagsunod sa health protocol.
