Kaso ng COVID-19 sa Albay, tumaas na naman sa 14

LEGAZPI CITY – Muli na namang nakitaan ng pagtaas ang mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Albay batay sa datos ng Department of Health (DOH) Bicol.

Matatandaan, nito lamang nakaraan ay isang kaso lamang ang naitala sa lalawigan, subalit sa pinakahuling datos ng ahensya, umakyat ito sa 14.

Read More:  CHMSU graduate tops Army officer candidate class ‘Talagilab’

Sa datos, tigdadalawa ang naitala sa Bacacay, Daraga, Legazpi City, Malilipot at Malinao; habang pawang tig-iisa naman sa Camalig, Oas, Polangui at Tabaco City.

Read More:  Three fishing vessels destroyed in fire at MGTR compound in General Santos City

Wala namang naitalang bagong gumaling o nasawi dahil sa nabanggit na sakit.

Pinapaalalahanan pa rin ang publiko na patuloy na sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols at magpabakuna upang maiwasan na ang pagkalat nito.