MDRRM Lupi naka monitor na sa lagay ng Super Typhoon sa labas ng PAR

CAMARINES SUR- Nakamonitor na ang MDRRM Lupi sa updates ng PAGASA sa binabantayang super typhoon sa labas ng Philippine Area of Responsibility na may international name na “Mawar”.

Posible itong pumasok ng PAR sa Biyernes o Sabado at tatawagng Bagyong “Betty” ayon sa PAGASA.  Walang landfall scenario nakikita sa ngayon ayon pa sa weather bureau , kahapon naging ganap nang Super Typhoon , maaari ito ng magdulot ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ayon kay Garry Cruz ng MDRRM Lupi, wala pang pagpupulong ang PDRRMC pero inaasahan na nila ito anumang oras.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa monitoring ng tanggapan, mababa ang lebel ng tubig sa ilog at sapa dahil sa matinding init, kaya kung uulan man ng matagal hindi mabilis umapaw.  Gayunpaman magbabantay sila lalo na sa flood prone areas.