CAMARINES NORTE- Nanatiling mababa ang healthcare utilization rate lalawigan ng Camarines Norte sa pagtatapos ng Enero sa kabila ng naitalang mataas na kaso ng COVID- 19.
Ayon sa Department of Health, as of January 31, 2022 naglaan ang probinsiya ng 176 na kama para sa COVID- 19 at 37 lang dito ang nagamit o 21. 0%.
Nasa below moderate din ang isolation beds for Covid utilization na mayroong 23. 5 %, habang 14. 4 % sa Covid ward beds utilization.
Wala namang naitalang pagamit sa ICU beds for Covid.
Sa datos ng DOH nasa 622 ang aktibong kaso ngayon ng COVID- 19 sa lalawigan at lahat ng ito ay naitala sa buwan lang ng Enero.
Mababa ang hospitalization rate dahil sa stratehiyang ipinatupad ng Lokal na Pamahalaan.
Tanging ang mga severe at critical cases lang ang dinadala sa ospital habang ang mga asymptomatic at mayroong mild symptoms ay dinadala sa Temporary Treatment and Monitoring Facility.
Kung puno na ang TTMF ay sa bahay na lang ang mga ito naka isolate alinsunod sa mahigpit na guidelines ng DOH.
