Karagdagang 700k doses ng Astrazeneca COVID vaccine, dumating na sa PH

Umabot sa 698,600 doses ng bakuna kontra covid-19 na gawa ng Astrazeneca ang dumating ngayong araw sa bansa.

Ayon sa Manila International Airport Authority, lulan ang mga ito ng eroplano ng China Airlines.

Read More:  PPA prepares for expected surge in travelers during five-day ASEAN Summit holiday

Sinabi ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 na ang mga nasabing bakuna ay binili ng pribadong sektor.

Read More:  ICC seeks additional protection for 55 witnesses in Duterte trial

Samantala, mamayang gabi naman inaasahang darating din sa bansa ang nasa mahigit 1 milyong doses ng bakuna ng Pfizer. //MHEL PACIA-TRINIDAD