Karagdagang 330 pesos kada araw, request na omento sa sahod sa Region 3-DOLE

Aabot sa mahigit tatlong daang piso ang petisyon na omento sa sahod sa Central Luzon.

Ayon kay Department of Labor and Employment Region 3 Dir. Geraldine Panlilio, sa Central Luzon ay karagdagang 330 pesos kada araw ang inihaing petisyon ng petitioner para sa salary increase sa rehiyon.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Kung titingnan aniya ay talagang napakalaki nito lalo na ngayong hindi pa lahat ng negosyo ay nakakabangon mula sa pandemya.

Dadaan umano ito sa masusing pag-aaral ng wage board kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno, labor group at employers group.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Sa kasalukuyan ay 420 pesos kada araw ang minimum wage ng mga manggagawa sa Region 3.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 2 people and text that says 'IBUPROFEN+ PARACETAMOL FAST RELAX OFFICIAL TITO AND TITA KANA KAPAG HALOS EVERYDAY NAANG SAKIT NO ULO, LIKOD AT BUONG KATAWAN! SYMPTOMS PERSIST CONSULT YOURDOCTOR. YOUR'