Albay at Camarines Sur, tanging mga probinsya sa Bicol na nakapagtala ng bagong kaso ng COVID-19 kahapon

BNFM BICOL—Tanging ang mga probinsya lamang ng Albay at Camarines Sur ang nakapagtala ng mga bagong kaso ng COVID-19 kahapon, araw ng Martes.

Batay sa tala ng Department of Health, tatlong mga bagong kaso lamang ng sakit ang naitala sa rehiyon kung saan dalawa nito ang mula sa bayan ng Daraga at lungsod ng Tabaco sa Albay habang isa naman ang nairehistro sa bayan ng Tinambac sa Camarines Sur.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Zero new cases ang mga lalawigan ng Camarines Norte, Catanduanes, Masbate at Sorsogon, dahilan upang umabot sa 2,084 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Bicol mula sa kabuuang 58,966 na mga kumpirmadong kaso.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Tatlo naman ang naidagdag sa bilang ng mga gumaling, daan para umabot na sa 54,632 ang total recoveries, habang nasa 21 naman ang naiulat na mga nasawi kaya’t umakyat rin sa 2,250 ang mga fatalities.###