Patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases sa Albay, resulta umano ng kooperasyon ng publiko

BNFM BICOL—Inihayag ni Albay Provincial Health Office head – Dr. Estela Zenit na ang patuloy na pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Albay, ay resulta umano ng kooperasyon ng publiko sa mga umiiral na health protocols at pagtalima sa panawagan na magpa bakuna kontra COVID-19.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Ginawa ng doktor ang pahayag makaraang maitala ng lalawigan ang 300 na lamang na aktibong kaso ng COVID-19, mas mababa ng halos apat na beses kumpara sa 1,400 na mga kasong naitala nitong mga nakalipas na linggo.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sakabila nito binigyang diin ng opisyal na hindi rason ang mababang kaso ng sakit sa lalawigan upang maging kampante ang publiko, at sa halip ay panatilihin ang pagsunod sa mga umiiral na health protocols.###