CAMARINES NORTE- Target ngayon ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mairehistro ngayong 2022 ang nasa 196, 000 indibidwal edad limang taong gulang pataas sa Philippine Identification System (PhilSys) base sa total population ng lalawigan.
Noong 2021 nakapagrehistro ang Camarines Norte ng nasa 392, 435 na indibidwal o lagpas ng 118. 09 percent sa target na 332, 322.
Para sa buwan ng Enero 2022 ay nakapagrehistro ang PSA ng nasa 10, 397 indibidwal mula sa anim na registration center o 17 kits na nagbalik operasyon noong Enero 4.
Kabilang sa mga registration center na nagbalik operasyon ay ang Fixed Registration Center sa PSA Provincial Office, SM City Daet, at ang mga LGU ng Jose Panganiban, Labo, Paracale at Sta Elena.
Bukas ang mga nabanggit na registration center mula Lunes hanggang Biyernes, alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon maliban sa SM City Daet na bukas Lunes hanggang Linggo mula alas 10 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi.
Tuloy- tuloy din ang ginagawang mobile registration sa mga bayan ng Labo, Mercedes, Sta Elena at Paracale bilang bahagi ng “saturation method” sa mga barangay upang masiguro na maisama sa PhilSys lalo na ang Persons with Disability (PWDs) at Senior Citizens.
Kaugnay nito ay hinihikayat ng PSA ang lahat ng opisyal ng Barangay sa labingdalawang bayan na makipag ugnayan sa kanilang opisina kung mayroon pang mga unregistered individual sa kani- kanilang barangay.
Ang mga nakatapos naman ng kanilang Step 2 Registration noong isang taon ay maaaring ma- track ang National ID gamit ang link na https://tracking.philpost.gov.ph/
Samantala, bahagi rin ng resumption ng PhilSys operation ay ang pagsasagawa ng Step 2 Registration Provincial Training na ginanap noong nakatalikod na buwan na dinaluhan ng 6 na Registration Center Supervisors, 17 Registration Kit Operators at 12 Screeners/Alternate Screeners na naka- deploy sa 6 na Registration Center sa probinsiya.
