Pinoy kabilang sa mga sugatan sa nangyaring drone attack sa Saudi Arabia

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Saudi Arabia na isang Pinoy ang kabilang sa mga nasugatan sa drone attack sa Abha airport na naganap noong Huwebes.

Hindi naman tinukoy ng embahada ang pagkakakilanlan ng Filipino ngunit sinabing stable na umano ang kondisyon nito habang ginagamot sa isang ospital sa suporta ng kanyang amo.

Read More:  Senate passes bill barring public officials’ relatives from government contracts

Sa isang pahayag sinabi ng Embassy na nakipag-ugnayan na ang Philippine Consulate General sa Jeddah sa apektadong Filipino national para magbigay ng tulong.

Nabatid na batay sa report ,12 indibidwal ang nasaktan sa Abha airport mula sa mga shrapnel ng isang explosive-laden drone matapos itong ma-intercept sa pamamagitan ng air defenses.

Read More:  TRB orders NLEX to explain prolonged traffic caused by flooding in Pampanga

Patuloy naman ang koordinasyon ng embahada sa Filipino community sa Saudi Arabia para tiyaking ligtas ang ating mga kabababayan.