Naniniwala si Presidential Adviser Joey Concepcion na handa na ang National Capital Region para sa mas maluwag na COVID-19 risk classification.
Ayon kay Concepcion umaasa siyang pagsapit ng Marso ay ibababa na ng Inter-Agency Task force sa Alert Level 1 ang alerto sa Metro Manila.

Paliwanag ni Concepcion dapat gawin nang ‘new normal’ ang pagpapatupad ng Alert Level ngayong mababa na ang bilang COVID-19 cases sa bansa.
Sa pamamagitan nito nakikita umano ng presidential adviser na makakabawi ang ekonomiya na ilang taon na rin lugi dahil sa mga COVID-19 restrictions na ipinatupad ng pamahalaan.
Nilinaw naman ni Concepcion na kahit magpatupad ng mga pagluluwag sa restriksiyon, kailangan pa rin ang pagsusuot ng face mask, pagdadala ng vaccine cards at matiyak na mabakunahan na ang mga hindi pa bakunadong indibidwal.