Karagdagang 1.2-Million doses ng Moderna vaccines dumating sa bansa

Aabot sa 1.2 million doses ng Moderna COVID-19 vaccines ang dumating sa bansa ngayong umaga.

Lulan ang naturang mga bakuna ng China Airlines flight na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 badang 9:30 ng umaga.

Read More:  Imee Marcos questions ‘Pax Silica’ project, warns of environmental risks

Mula sa 1.2 million Moderna doses sinabi ng National Task Force against COVID-19 na 863,800 doses dito ang binili ng pamahalaan habang ang 369,600 doses ay binili ng International Container Terminal Services Inc. (ICTSI) foundation sa pamamagitan ng tripartite agreement.

Read More:  Pulse Asia survey shows Sara Duterte, Bong Go leading 2028 race

Personal naman sinalubong ni COVID-19 chief implementer Sec. Carlito Galvez ang pagdating ng naturang mga bakuna.

Dahil dito pumalo na sa mahigit 71-million doses ng COVID-19 vaccines ang naideliver sa bansa.