N. Korea ibinida ang ginawang test sa bagong hypersonic missile

Kinumpirma ng North Korea na naging matagumpay ang kanilang isinagawang test bagong hypersonic missile na tinawag na Hwasong-8.

Tinawag din nilang strategic weapon ang missile na nangangahulugan na mayroong nuclear capabilities.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Ayon sa ilang experts, pinatunayan ng nasabing paglulunsad na lumalaki ang weapons technology ng Pyongyang sa kabila ng strict sanctions.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Nakasaad din sa report na ang teknolohiyang ginamit ay nagpapahintulot sa missile na maging pre-fuelled na nangangahulugan na mananatili itong launch-ready ng maraming taon.

Ito na ang ikatlong missile test ng NoKor ngayong buwan.