Karagatang sakop ng lalawigan ng Bataan, ligtas na sa banta ng red tide

Ligtas na sa banta ng paralytic shellfish poison or toxic red tide ang mga baybayin ng syam na mga munisipyo sa lalawigan ng Bataan.

Ito ay dahil negatibo na sa nakalalasong organismo sa resulta ng water sampling ng Bureau of Fisheries And Aquatic Resources o BFAR ito nakaraang Myerkules.

Matatandaan, ilang beses na natukoy ng kagawaran na positibo sa red tide toxin ang mga baybayin ng Hermosa, Orani, Samal, Abucay, Balanga City, Pilar, Orion, Limay at Mariveles, Bataan.

Dahil dito ay pwedi nang ibenta sa merkado ang mga shellfish gaya ng tahong, talaba, alimango, alimasag, sulib, biya, alamang at iba pang mga kahalintulad nito na nakukuha sa dating apektadong mga baybayin bastat linisin lang maigi bago iluto.//Jeff Valdez-BNFM OLONGAPO

May be an image of 6 people, people standing, fruit and text that says 'Strong immunity Strong bones 100 Capsules ASCORBIC ACID (as Calcium Ascorbate) GUARD-C Youthful glow VITAMIN Buy now at Lazada ASCORBIC ACID (as Calciur Ascorbate) GUARD-C Healthy heart Helps reduce stress Helps heal wound faster ww.a'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *