Kapitana sa Camarines Sur, binaril-patay

CAMARINES SUR- Patay ang isang punong Barangay matapos na barilin sa Tinambac, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Shirley Balonzo ng Barangay San Roque.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni PMaj. Michael Vincent Fortunado OIC ng Tinambac Municipal Police Station nangyari ito alas 9:15 ng gabi nang bigla na lamang pagbabarilin ang opisyal. Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na  personal grudge ang motibo, hindi naman nabanggit kung ukol saan.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Ayon naman kay PSSG Jeffrey Mediario , tagapagsalita ng Tinambac PNP, nakaupo sa labas nang kanilang bahay ang biktima ng mangyari ang krimen. Hindi bababa sa lima ang tama nito. Napag-alaman na dati na itong may banta sa buhay.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

May suspek na ang PNP pero hindi pa isinapubliko ang pangalan.

Ikinabigla naman ito ng mga KaBarangay ng biktima lalo na ng mga huli nitong nakasama sa parada kahapon, kaugnay ng pagdiriwang ng Fiesta sa bayan.