Ilang LGUs, tumutol na ganapin sa mga munisipyo ang Baragatan Festival

Nagpahayag umano ng pagtutol ang ilang munisipyo sa Palawan sa panukalang dalhin sa mga munisipyo ang selebrasyon ng Baragatan festival.

Ayon kay Executive Assistant IV Ceasar Sammy A. Magbanua, inihayag ng mga Lokal na Pamahalaan na hindi na nila kayang paghandaan ang aktibidad dahil kapos na umano sa oras.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Paliwanag pa ng mga LGU, may nakalatag na silang sariling aktibidad sa buwan ng Disyembre habang ang ibang LGU ay walang kakayanan na mag-host ng Baragatan.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Kaugnay nito, puspusan na ang paghahanda ng mga proponente ng Baragatan Festival sa susunod na buwan sa kabila na may mga programa rito na ipinagpaliban muna.