Kapitan ng Brgy. San Miguel sa Puerto Princesa, pinagpapaliwanag sa isang Admin. complaint

Pinagpapaliwanag sa loob ng 15 araw ng Sangguniang Panlungsod ng Puerto Princesa si Kapitan Prince Russel Gloriani ng Barangay San Miguel.

Ito ay dahil sa isang Administrative complaint na inihain ng isang Philip Balmores ng Barangay Bacungan sa Lungsod.

Nagsimula ito dahil sa hindi umano paglalabas ng punong barangay ng Certificate to file action sa insidente na kinasangkutan ng nagreklamo noong Nobyembre 2022.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ayon sa opisyal, nagkasundo na kasi sa barangay si Ginoong Balmores at ang nakabangga sa kotse nito noong una subalit bandang huli ay nagpasya raw ito na kasuhan na lang ang nakabangga dahil sa hindi pagbabayad ng balanse.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Sa lebel ng barangay ay sinikap naman umano ng opisyal na pakiusapan ang respondent ni Balmores na magbayad ito ng balanse sa danyos.

Gayunman, nilinaw ng opisyal na walang usaping pera sa reklamong isinampa laban sa kanya at nakahanda siyang sagutin ito sa City Council.