Nakahanda nang magsilbi ang bagong satellite office ng DSWD-Assistance to Individuals in Crisis Situation (DSWD-AICS) sa lalawigan ng Masbate at makatutulong din sap ag-decongest ng mga existing operation area sa panahon ng pay-out.
Ayon kay DSWD-Bicol AICS Information Officer na si Jastine Dichoso mEscuro, ang bagong tanggapan ay maaaring magsilbi ng 100 kliyente araw-araw.
Sinabi pa nito na makapagbibigay sila ng komportable at maginhawang paghahatid ng serbisyo na siya namang layunin ng RA 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Govt. Service Delivery Act of 2018.
Ang bagong palapag na gusali ay matatagpuan sa loob ng Masbate Provl Capitol sa Brgy Ibingay at ito ang ika-7 AICS processing area sa Bicol.
Ang iba pang umiiiral na AICS satellite offices ay matatagpuan sa Naga City, Iriga City at Tigaon town lahat sa Camarines Sur; Labo sa Camarines Norte; Irosin sa Sorsogon at Catanduanes.
